^

Bansa

Kung ayaw ni PNoy Kongreso magso-sorry sa HK

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kung ayaw ni Pangulong Aquino na humingi ng paumanhin sa Hong Kong kaugnay sa Manila hostage crisis ay ang Kongreso na lamang ang dapat gumawa nito.

Ito ang nakasaad sa resolution at privilege speech ni Ilocos Sur Rep. Ronald Singson

Ayon kay Singson, kung ayaw ni PNoy na mag-public apology sa HK maari naman itong gawin ng Kongreso upang magkaroon na ng closure ang isyung ito.

Simpleng apology lang naman umano ang hinihingi ng Hong Kong subalit malaki ang magiging kapalit nito dahil maibabalik ang maayos na pagtrato sa libo-libong OFWs sa nasabing bansa.

Nilinaw pa ng mambabatas na ang kanyang panawagan ay hindi act of defiance o pagsuway sa paninindigan ng Pa­ngulo.

Matatandaan na nakulong si Singson sa HK dahil sa drug case subalit trinato umano ito ng maayos ng mga Hongkong nationals.

Matatandaan na 8 HK tourists ang nasawi sa Manila Hostage crisis noong Agosto 10, 2010.

 

AGOSTO

HONG KONG

ILOCOS SUR REP

KONGRESO

MANILA HOSTAGE

MATATANDAAN

PANGULONG AQUINO

RONALD SINGSON

SINGSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with