Tips sa waiter gagawing batas
MANILA, Philippines - Nais ni Senator MiÂriam Defensor-Santiago na magkaroon ng batas na titiyak na makukuha ng tama ng mga manggagawa katulad ng waiters, bartenders at staff employees ang mga tips na ibinibigay ng kanilang customers.
Sa Senate Bill 1994 na inihain ni Santiago, sinabi nito na sa Presidential Decree No. 442 na mas kilala sa Labor Code of the Philippines, nakalagay lamang sa section 96 ang distribusyon ng service charge sa pagitan ng employer at mga empleyado pero hindi nakalagay kung ilang bahagi ang mapupunta sa mga staff employees, service employees at bartenders.
Sinabi ni Santiago na dapat magkaroon ng batas na titiyak na ang mga tip na ibinibigay ng mga consumer ay napupunta ng tama sa mga empleyado at hindi sa mga employers.
Ang panukala kapag naging batas ay tatawaÂging Wages and Tips Protection Act.
Kabilang umano sa mga “wait staff employees†ang mga waiters, waitress, bus person, counter staff, na kalimitang nagta-trabaho sa mga restaurants.
May mga pagkakataon umano na naglalagay ng service charge ang mga restaurants bilang kapalit ng tip para sa mga nagserbisyong waiters/waitress.
Nais ni Santiago na matiyak na makukuha kaagad ng mga waiters/waitress ang mga tips na dapat nilang matanggap sa mismong araw na kanilang ipinag-serbisyo.
Kung magiging batas, ang mga employers na lalabag ay pagmumultahin ng P25,000 o pagkakulong ng hindi bababa sa 30 araw pero hindi lalampas sa anim na buwan.
- Latest
- Trending