^

Bansa

Xmas furlough ni GMA nasa korte - Palasyo

Malou Escudero - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Muling iginiit kahapon ng Malacañang na korte lamang ang maaring magpasya sa hirit ng kampo ni dating Pa­ngulo at ngayon ay Pampanga Congw. Gloria Macapagal-Arroyo na makalabas ng ospital ngayong Kapaskuhan.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, hindi ang Palasyo ang magpapasya sa gusto ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Arroyo, na mabigyan ng Christmas furlough ang dating Pangulo.

Sinabi ni Valte na ipinapaubaya niya sa kampo ni Arroyo kung maghahain sila ng mosyon dahil sa ngayon ay naka-hospital arrest pa rin ito.

Samantala, sa tanong kung bibisita ba si Pangulong Aquino kay Arroyo ngayong Kapaskuhan matapos magdesisyon si dating Pangulong Joseph Estrada na bisitahin ito, sinabi ni Valte na sa ngayon ay hindi niya alam kung dadalaw rin si PNoy.

Nauna rito, sinabi ni Topacio na noong si Arroyo ang presidente at nakakulong si Estrada, pinayagan nito ang kahilingan ng huli na Christmas furlough.

Kasalukuyang naka-hospital arrest si Arroyo sa Vete­rans Memorial Medical Center.

ABIGAIL VALTE

FERDINAND TOPACIO

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

KAPASKUHAN

MEMORIAL MEDICAL CENTER

PAMPANGA CONGW

PANGULONG AQUINO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

VALTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with