PNP may lead na sa killings ng 3 brodkaster
MANILA, Philippines - May lead na ang Philippine National Police (PNP) sa kaso ng magkakasunod na pagpatay sa tatlong brodkaster kabilang na ang sinisilip na anggulo ng love triangle na dawit ang isang pulis.
Ayon kay PNP Chief Director General Alan Purisima, nagkaroon ng ‘breakthrough’ sa imbestigasyon ng pamamaslang sa tatlong mediamen sa magkakahiwalay na insidente sa Bukidnon, Surigao del Sur at Davao Oriental. Ang naturang mga karahasan ay naganap sa loob lamang ng halos 2 linggo.
Kabilang sa tatlong pinaslang sina Jash Dignos, 48, ng Valencia City, Bukidnon, brodkaster sa DXGT Radyo na pinagbabaril noong Nobyembre 29; Michael Diaz Milo, 34, ng Prime Radio FM sa Tandag City, Surigao del Sur, itinumba noong Disyembre 6 at si Rogelio “Tata†Butalid, 44, ng DXFM Radyo Natin na pinagbabaril naman sa Tagum City, Davao del Norte kamakalawa.
Sa ulat ng Tandag City Police, apat na suspek ang natukoy sa likod ng pamamaslang kay Milo. Isa sa mga kaibigan ng brodkaster ang nagbigay ng testimonya sa pulisya na ang umano’y lover ng misis ng biktima na isang pulis ang nagbabanta sa buhay nito.
“Special Investigation Task Group (SITG) Milo on the otherhand, initially ruled out the killing of Milo as work-related in the light of other possible motives such as his strained relationship with his estranged wife and in-laws, including the fact that his particular radio station is not engaged in hard-hitting commentaries but in promotion of alternative natural healing products,†ayon pa sa PNP bukod pa sa nasangkot sa suntukan ang biktima noong nakalipas na buwan sanhi ng personal na isyu.
Sa kaso ni Dignos, nagsampa na ng kasong murder ang pulisya laban sa isang natukoy na suspek at iba pang kasabwat sa krimen. Ang suspek ay natukoy sa pamamagitan ng computerized facial sketch ng NPA base sa deskripsyon ng pangunahing testigo sa krimen.
Sa kaso ni Butalid ay mayroon na ring cartograÂphic sketch ng gunman ang PNP base sa paglalarawan ng testigo.
- Latest