Babala vs power hike Maliliit na negosyo magsasara
MANILA, Philippines - Dahil sa malaking power rate increase, nagbabala si Valenzuela Rep. Sherwin GatchaÂlian na posibleng magsipagsara ang maraming maliliit na negosyo kung hindi ito mapipigilan ng gobyerno.
Sinabi ni Gatchalian na kapag nangyari ito ay tiyak na kasunod ng pagsasara ng mga negosyo ang mass layoff ng mga empleyado.
Sa kanya umanong konsultasyon sa mga negosÂyante kaugnay ng epekto ng P4.15 na power rate hike ay marami sa mga ito ang nangangamba na sa kanilang survival.
Iginiit ni Gatchalian na kailangang agapan ng gobyerno ang malaÂking power rate hike dahil masÂyadong mabigat ang impact nito sa ekonomiya.
Ito ay dahil sa 99 porsiyento ng mga negosyo sa bansa ay faÂmily owned na small and medium enterprises na delikadong malagay sa alanganin dahil sa singil sa kuryente.
Kung magiging pabigat umano ang malaking umento sa power rate sa loob ng apat na buwan ay hindi malayo ang posibilidad na maging ang malalaking industriya at negosyo ay padapain din nito.
- Latest