^

Bansa

Graft cases ng MWSS administrator pinareresolba sa Ombudsman

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umapela kahapon ang grupo ng mga manggagawa ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales na resolbahin ang labing isang (11) graft cases na isinampa laban kay MWSS administrator Gerardo Esquivel Jr.

Kasabay nito, hiniling ni MWSS Labor Association Napoleon Quinones kay Carpio-Morales na suspindihin si Esquivel at kapwa akusado nito habang isinagawa ang pagdinig ng paglabag sa Commission on Audit rules.

Kabilang sa mga kapwa akusado ni Esquivel ay sina MWSS Regulators Emmanuel Caparas at ang deputy nito si Vince Yambao na umano’y nagsabwatan sa pagkuha ng 47 consultants na binayaran ng P88 milyon.

Sina Esquivel, Caparas at Yambao ay nakatanggap din umano ng P3 milyong allowances na kung saan ay maliwanag na paglabag sa Commission on Audit (COA) rules.

Ang nasabing mga consultants ay ginagamit umano ni Esquivel sa pag-atake laban sa water conscessionaires na Manila Water at Maynilad.

Sa isinagawang panayam kay Quinones, may natanggap siyang mga ulat mula sa loob ng Ombudsman na may tumutulong sa kaso ni Esquivel na malapit kay Pangulong Noynoy Aquino.

Nagpahayag ng pangangamba si Quinones na posi­bleng magkaroon ng ‘white wash’ ang kaso ni Esquivel  na nakahain sa Ombudsman dahil sa pressure ng nasabing graft body.

ESQUIVEL

GERARDO ESQUIVEL JR.

LABOR ASSOCIATION NAPOLEON QUINONES

MANILA WATER

METROPOLITAN WATERWORKS AND SEWERAGE SYSTEM

OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO-MORALES

PANGULONG NOYNOY AQUINO

REGULATORS EMMANUEL CAPARAS

SINA ESQUIVEL

VINCE YAMBAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with