^

Bansa

Tsunami warning system inilagay sa Sarangani Bay

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naglagay ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng dalawang tsunami early warning system sa Sarangani Bay para subaybayan ang water level ng mga baybayin dito.

Ang unang tsunami early warning system ay nasa pantalan ng Glan sa bukana ng Sarangani Bay na nakaharap sa Pacific Ocean at Celebes Sea. Habang ang isa pang tsunami early warning ay inilagay sa baybayin ng Barangay Ladol, bayan ng Alabel na unang napaulat na nagkaroon dito ng extreme low tide na nakalikha ng takot sa mga residente doon sa pangambang may parating na tsunami.

Ayon sa Phivolcs, magiging operational ang naturang mga pasilidad sa Sarangani Bay sa katapusan ng Dis­yembre. 

Kaugnay nito, nakapagtala ang Phivolcs ng magnitude 4.4 na lindol bandang alas-2:06 ng madaling-araw kahapon sa may Celebes Sea na nasa 337 kilometro timog silangan ng South Ubian, Tawi-tawi.

Ito ay hindi naram­daman ng mga tao doon dahil sa dagat naganap ang pagyanig.

Magugunitang sa bahagi rin ng Celebes Sea nangyari ang magnitude 7.9 lindol noong Agosto 17, 1976 na nakalikha ng tsunami sa Moro Gulf na kumitil ng mahigit 6,000 katao.

 

AGOSTO

BARANGAY LADOL

CELEBES SEA

MORO GULF

PACIFIC OCEAN

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

PHIVOLCS

SARANGANI BAY

SOUTH UBIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with