Gurong nasawi sa pagliligtas ng mga bata sa ‘Yolanda’ pinarangalan
MANILA, Philippines - Kinilala kahapon ng Department of Education (DepEd) ang kabaÂyanihang ipinakita ng isa nilang grupo sa Iloilo City na nasawi matapos na magligtas ng mga batang mag-aaral sa kasagsagan ng bagyong Yolanda noong Nobyembre 8.
Nakatakdang bigyan ng medalya at iba pang gantimpala ng DepEd ang naiwang pamilya ni G. Rogelio Lardera, guro sa Concepcion Central School sa Iloilo.
“To be a teacher is to have a remarkable life. Mr. Lardera, at the cost of his own life, saved the lives of several children at the height of Yolanda. His selflessness inspires us all,†ani Education Secretary Bro. Armin Luistro.
Sa datos ng DepEd, miyembro si Lardera ng Manaphag Quick Response Team na binuo upang rumesponde sa panahon ng kalamidad sa Bacjawan Sur sa naturang lalawigan.
Nabatid na nagligtas si Lardera at mga kasamahan ng mga residente at mga bata sa baybaying lugar ng munisipalidad at pabalik na sa kanilang tanggapan nang mabagsakan ng puno ang sinasakyan nilang trak.
Dito tumalsik palabas ng sasakyan si Lardera at natagpuan ang kanyang wala nang buhay na katawan matapos ang bagyo.
Naiwanan ni Lardera ang kanyang asawa na si Leonora Tabares at apat na anak.
Nakatakda namang gawaran ng “posthumous award†ng pamahalaang lokal ng Iloilo si Lardera bilang kanilang bayani sa Disyembre 8.
- Latest