^

Bansa

Dagdag singil sa kuryente gagawing ‘gives’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Posibleng tumugon sa kabi-kabilang panawagan ng mga consumer groups at mga negosyante na magpatupad ng “staggered basis” o pautay-utay na pagtataas sa singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco). 

Sinabi ni Energy Secretary Jericho Petilla na kabilang rin sila sa humiling sa Meralco na magpatupad ng “staggered basis” ng pagtataas. Naipatupad na umano ito noong taong 2010 kung saan nagtaas ng P2 kada kilowatt hour ang Meralco.

Sa tantiya ng Meralco, posibleng umabot sa P4 kada kilowatt hour ang itataas sa singil sa kuryente ngayong Dis­yembre. Kung ang isang bahay ay kumokunsumo ng 200kWh kada buwan, makakatikim ito ng P700 pagtataas sa kanilang electric bill.

Ang naturang pagtataas ay bunsod ng pansa­mantalang paghinto sa ope­rasyon ng Malampaya at sabay-sabay na shutdown rin ng ilang mga planta ng kuryente na pi­nagkukunan ng suplay na enerhiya ng Meralco. Napilitan tuloy ang natitirang planta na magtaas sa singil sa isinusuplay nilang enerhiya.

Ayon kay Petilla, kanila ring paiimbestigahan kung may sabwatan ang mga plantang sabay-sabay na huminto sa operasyon upang mabatid kung sinasadya na lumikha ng artipisyal na kakulangan sa suplay ng kuryente.

Sinabi naman ni Meralco spokesman Joe Zalda­riaga na maaa­ring sa Lunes nila ihayag ang opis­yal na halaga ng kanilang dagdag singil at kung magpapatupad muli sila ng “staggered basis” sa pagtataas.

Una namang sinabi ng Energy Regulatory Commission (ERC) na maaa­ring magtaas ng singil ang Meralco kahit na hindi idaan sa kanila para sa approval kung ang komputasyon na gagamitin  ay base sa formula na “pre-approved” na ng ERC.

Titignan pa umano nila ang halaga na ipatutupad ng Meralco ngayong Dis­yembre upang mabatid kung sinunod ng Meralco ang kanilang formula at upang mabatid kung magkakaroon ng paglabag sa kanilang panuntunan, ayon kay ERC executive director Saturnino Juan.

vuukle comment

ENERGY REGULATORY COMMISSION

ENERGY SECRETARY JERICHO PETILLA

JOE ZALDA

KUNG

MANILA ELECTRIC COMPANY

MERALCO

SATURNINO JUAN

SHY

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with