Osmeña tutol tapusin na ang pork scam hearing
MANILA, Philippines - Tinutulan kahapon ni Senate Blue Ribbon Committee Vice Chairman Senator Sergio Osmeña ang mga mungkahi na tapusin na ng Senado ang imbestigasyon sa P10 bilyong pork barrel scam.
Ayon kay Osmeña, hindi lamang siya ang tutol na tapusin na ang hearing kung hindi ang iba pang senador na nakausap niya.
Sinabi ni Osmeña na may mga senador na hindi na nabibigyan ng pagkakataon na magtanong tungkol sa nasabing scam kung saan napunta ang bahagi ng Priority DeveÂlopment Assistance Fund (PDAF) ng ilang mambabatas sa nga pekeng non-government organization o NGOs.
Nauna ng sinabi ng chairman ng komite na si Sen. Teofisto Guingona III na kontento na siya sa narating ng pagdinig sa PDAF scam at kung siya ang tatanungin ay nais na niya itong tapusin pero ikokonsulta pa niya ito sa mga miyembro ng komite.
Sinabi naman ni Osmeña na sangkot din sa pondong napunta sa mga scam ang Malampaya funds kaya dapat pa itong imbestigahan upang magkaroon ng linaw.
- Latest