^

Bansa

Ex-Batangas Gov. Leviste laya na

Doris Franche-Borja, Rudy Andal, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakalaya na si dating Batangas Governor Jose Antonio Leviste makaraang maaprubahan ng Department of Justice ang kanyang aplikasyon para sa “parole”.

Kasama ni Leviste ang 33 pang preso ng New Bilibid Prisons (NBP) na nakalaya kahapon dahil sa iba’t ibang merito na kanilang ginawa habang nakakulong.

Sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) Director Franklin Bucayu na inaprubahan ang parole ni Leviste ng Board of Pardon and Parole dahil napagsilbihan na nito ang kanyang “minimum” na sentensya habang nagpakita rin ito ng magandang asal habang nakakulong sa “maximum security compound” ng NBP.

Matatandaan na si Leviste, 73, ay nahatulan ng Makati City Regional Trial Court na mabilanggo ng anim hanggang 12 taon matapos na mapatunayang nagkasala sa kasong homicide noong Enero 2009. Taong 2007 nang pagbabarilin ni Leviste ang kanyang tauhan na si Rafael Delas Alas sa loob ng kanyang opisina sa LPL Tower Building sa Makati City.

Iginiit naman ng BPP, ang pagkakaloob ng parole ay hindi nangangahulugan ng full restoration of liberty dahil ang mga parolee ay nasa ilalim pa din ng custody ng batas kahit sila ay nakalaya sa kulungan kung saan ay may mga kondisyon na dapat silang sundin kundi ay balik-selda ang mga ito.

Sinabi ni Bucayu na bawal silang pumasok sa mga bahay-aliwan at mga lugar-sugalan tulad ng mga casino.

Kailangan rin nitong iharap ang sarili 15 araw matapos ang paglaya at mag-ulat sa parole officer sa lugar na kanyang titirahan kada buwan. Bawal itong lumabas sa bansa ng walang pagsang-ayon ng BuCor, bawal magmay-ari ng baril at masangkot sa mga kasong kriminal.

Si Leviste ay naging kontrobersiyal habang ito ay nakakulong matapos itong mabuking na labas-masok mula sa loob ng kulungan. 

Unang nadiskubre ang paglabas nito sa NBP noong Mayo 2011 at pinakahuling nitong nakaraang Hulyo 25 lamang. Limang opisyal ng BuCor ang kinasuhan at nasuspinde ng 90 araw.

Nabatid na hindi naman tumutol ang pamilya ni delas Alas sa pagpapalaya kay Leviste dahil sa napatawad na umano nila ito.

Nilinaw naman ng Palasyo na ang BPP ang nagbigay ng parole kay Leviste at hindi ang tanggapan ni Pangulong Aquino sa pamamagitan ng presidential pardon.

BATANGAS GOVERNOR JOSE ANTONIO LEVISTE

BOARD OF PARDON AND PAROLE

BUREAU OF CORRECTIONS

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIRECTOR FRANKLIN BUCAYU

LEVISTE

MAKATI CITY

MAKATI CITY REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with