Lifetime tax exemption kay Pacman ayawng Palasyo
MANILA, Philippines - Kinontra ng Malacañang ang panukala ni Valenzuela Rep. Magtanggol Gunigundo na bigyan ng lifetime tax exemption si pambansang kamao at Sarangani Rep. Manny Pacquiao.
Sinabi ni Presidential Communications OpeÂrations Office (PCOO) Sec. Herminio Coloma Jr., dapat alalahanin na ang tamang pagbabayad ng buwis ay mahalagang tungkulin ng bawat Filipino kabilang na rito maging ang Pangulo ng bansa at iba pang opisyal.
Sa panukala ni Rep. Gunigundo ay nais niyang bigyan ng lifetime tax exemption si Rep. Pacquiao na ngayon ay hinahabol ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa hindi nito nabayarang P2.2 bilyon na buwis.
Ayon kay Sec. Coloma, hindi makatwiran ang panukala ng kongresista na pagkakaloob ng tax exemption kay Pacquiao.
Ang panukalang ito ay naisipang ihain ng ilang mambabatas matapos umanong gipitin ng BIR ang boxing champ sa pagkakautang nito sa buwis para sa taong 2008 at 2009 at isyuhan pa ng notice of garnishment para sa kanyang mga bank accounts at ari-arian.
- Latest