SC kay Kapunan: Corruption sa judiciary ipaliwanag!
MANILA, Philippines - Pinagpapaliwanag ng Korte Suprema ang dating abogado ni Janet Lim-Napoles hinggil sa pahayag nito ng malawakang katiwalian sa hudikatura.
Binigyan ng 10 araw si Atty. Lorna Kapunan para bigyang linaw nito ang kanyang naging pahayag sa telebisyon na may kilala umano siyang mahistrado na binabayaran umano ng mga litigants upang paboran.
Subalit nilinaw sa resoÂlusyon ng SC na hindi umano nangangahulugan na may kaso ito.
Bukod sa umano’y corruption sa SC, sinabi din ni Kapunan na may nalalaman din umano siyang corruption sa Court of Appeals (CA).
Binigyan diin nito sa isang panayam na ang isang restraining order sa appellate court ay maaaÂring makuha sa halaÂgang P5 million.
Dating kliyente ni Kapunan si Napoles na sinasabing utak sa P10 billion “pork barrel†scam at ngayon ay nahaharap sa kasong plunder at malversation sa Ombudsman.
Samantala, sinabi naman ni Kapunanan na handa siyang ipaliwanag ang kanyang naÂging pahayag kaugnay sa katiwalian sa sangay ng hudikatura.
Tinutukoy ni Kapunan ang naging deklarasyon ni Chie Justice Sereno noong September na dapat ilantad ng mga abogado kung sinu-sino ang mga “hoodlums in robes†na sumisira sa reputasyon ng hudikatura.
- Latest