^

Bansa

‘Unparliamentary words’ nina Enrile, Miriam buburahin sa record ng Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Balak ng ilang senador na ipatanggal sa record ng Senado ang mga pagmumura, maaanghang na salita o mga “unparliamentary words” na ginamit nina Sens. Juan Ponce Enrile at Miriam Defensor-Santiago sa kanilang mga privilege speech.

Ayon kay Sen. Francis “Chiz” Escudero hindi ipinagbabawal ang pag-aakusa ng isang senador sa kanyang kapwa senador basta’t mayroon itong maipapakitang ebidensiya pero hindi umano pinapayagan ang paggamit ng mga unparliamentary language.

“Well, for as long as they can prove it (pag-aakusa). But the rules state that you cannot use unparliamentary language. What unparliamentary means is established by tradition in Congresses all over the world. And surely, yung sinungaling, yung bobo, yung mga ganung salita, which are value judgments, cannot be considered parliamentary in any part of the world,” ani Escudero.

Matatandaan na ipinahiwatig ni Enrile na isang “Peeping Tom” si Santiago na itinuturing rin niyang kanyang “obsessive hater”.

Binuweltahan naman ni Santiago si Enrile kamakalawa at inakusahan na may kerida, sex addict, kriminal at sinunga­ling.

 

vuukle comment

AYON

BALAK

BINUWELTAHAN

CHIZ

ENRILE

JUAN PONCE ENRILE

MATATANDAAN

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

PEEPING TOM

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with