^

Bansa

P.50 taas pasahe sa dyip, hirit

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Humirit ng 50 sentimong dagdag singil sa pasahe para sa mga pampasaherong dyip nationwide ang Alliance of Concerned Transport Organization.

Sinabi ni ACTO president Efren de Luna sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ang taas pasahe ay kailangan upang punan ang mala­king epekto sa kanila ng panibagong oil price hike.

Ayon kay de Luna, dahil sa tuloy-tuloy na oil price hike ay dapat nang ibalik ng LTFRB ang 50 centavos provisional fare na ipinahiram noon ng transport group nang ang presyo ng petrolyo ay bumagsak.

“Gusto lang namin ibalik yung dating P8.50 na pamasahe dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo lalo na ang diesel at kung bumaba uli ang presyo ng krudo ibabalik uli namin sa P8.00 ang minimum na pamasahe, kasi talagang hirap na kami,” ani de Luna. Sa ngayon ay P8.00 ang minimum fare sa mga dyip.

Nauna na ring tumaas ang LPG ng halos P157 at tiyak na susunod na rin ang presyo ng mga basic commodity gaya ng asukal, gatas, mantika, tinapay at mga de lata gaya ng sardinas.

Halos wala na rin umanong natitira sa kita ng mga jeepney driver dahil sa patuloy na oil price hike hindi pa kasama rito ang mga dinaranas na kotong sa mga abusadong traffic enforcers.

 

ALLIANCE OF CONCERNED TRANSPORT ORGANIZATION

AYON

EFREN

HUMIRIT

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

NAUNA

PRESYO

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with