Butandings, balik sa Almasor
MANILA, Philippines - Matapos ang tatlong taon kung kailan paminsan-minsan na lang silang nakikita, tila bumalik na uli ang mga higanteng “ButanÂding†(whale sharks) sa karagatan ng Almasor (Albay-Masbate-Sorsogon) na itinuturing na tahanan nila.
Ang mababait na higanteng pating ay isa sa mga ipinagkakapuÂring “assets†ng Almasor dahil malakas ang hila nila sa mga turista mula sa iba’t ibang bansa. Pinalalakas nila ang turismo sa Kabikulan, lalo na sa Donsol, Sorsogon, na kinikilalang “Butang capital†ng Pilipinas.
May mga ulat na nagÂlipana na rin ang mga Butanding sa dagat sa Tabaco City, Albay at sinasabi pang nakikipaglaro sila sa mga tao. Ang balita ay ikinatutuwa ng mga AlbaÂyano at itinuturing nilang biyayang pamasko sa kanilang lalawigan dahil sa makataong mga proyekto nito.
Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, malamang na Albay ang makikinabang sa kalahati ng mga pang-ekonomiyang biyayang dadalhin ng Butanding. Kadikit lang ng Sorsogon ang Albay at paborito itong destinasyon ng mga turistang banyaga na natutuwang pagmasdan ang magandang Mayon Volcano at pasyalan ang makasaysayang Cagsawa Ruins.
Maraming Albayano ang nagpapakahulugan sa pagdating ng Butanding sa Albay bilang gantimpala sa mga makataong tulong na ginagawa ng lalawigan sa mga sinalanta ng mga kalamidad sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Ang Team Albay ay nasa ika-11 humanitarian mission ngayon sa Leyte at Samar na lubhang binubog ni Super typhoon Yolanda.
Bilang chairman ng Bicol Regional Development Council, itinatag ni Salceda ang Almasor upang pagsama-samahin ang mga “tourism assets†ng Albay, Masbate at Sorsogon bilang isang “package destination†para sa mga turista.
- Latest