^

Bansa

5,632 patay, P30B pinsala kay Yolanda

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pumalo na sa 5,632 ang death toll habang lumobo na rin sa mahigit P30 bilyon ang iniwang pinsala ng super bagyong Yolanda.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Eduardo del Rosario, nasa 26,136 katao ang nasugatan habang 1,759 pa ang nawawala.

Mula sa P27 bilyong pinsala ng bagyo ay tumaas na ito kahapon sa P30.600 bilyon. Kabilang dito ay P15.620 bilyon sa imprastraktura at P14.980 bilyon sa agrikultura.

Ayon pa kay del Rosario, tumaas din ang pinsala sa mga kalsada at tulay sa P12.760 bilyon; P2.309 bilyon sa mga eskuwelahan, P5.948 bil­yon pananim; livestock, P2.213 bilyon; pangisdaan, P2.259 bilyon at imprastraktura at agrikultura, P1.65 bilyon.

Nasa 1,168,909 ang nasira sa mga kabahayan kabilang ang 582,827 nawasak at nasa 582,082 ang nagtamo ng mga pinsala.

Ayon pa sa opisyal, ang super typhoon ay nakaapekto sa 2,335,031 pamilya sa may 12,094 barangay sa 44 lalawigan.

AYON

BILYON

EXECUTIVE DIRECTOR EDUARDO

KABILANG

MULA

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

PUMALO

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with