Brodkaster uli tumba sa tandem
MANILA, Philippines - Patay ang isang radio commentator matapos itong pagbabarilin ng mga armadong motorcycle riÂding-in-tandem sa Valencia City, Bukidnon nitong Biyernes ng gabi.
Sa ulat ng Valencia City Police, kinilala ang biktima na si Joas Dignos, 57, isang hard hitting commentator/broadcaster ng DXJT “Radyo Abante†na nakabase sa Maramag, Bukidnon.
Ang biktima ay dead-on-the-spot sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan mula sa kalibre .45 baril.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, kasalukuyang naglalakad sa madilim na bahagi ng Sayre highway ang biktima sa labas ng CAP Building sa lungsod ng mangyari ang pamamaslang dakong alas-9:30 ng gabi.
Bigla na lamang nilapitan ng riding-in-tandem gunmen ang biktima saka pinagbabaril ng malapitan habang nagsilbi namang lookout ang dalawa pang kasamahan ng mga ito na sakay rin ng motorsiklo.
Ayon sa mga testigo, nagawa pang tumakbo ng biktima sa kaniyang sasakyan pero hinabol ito ng dalawa sa apat na mga suspek saka pinagtuluÂngang ratratin bago mabilis na tumakas.
Bago ang insidente ay nakatanggap ng death threat mula sa hindi nagpakilalang mga texters at callers ang biktima na hinihinalang may kinalaman sa matinding pagbanat nito sa illegal gambling at illegal drugs ng mga sindikato sa lungsod ng Valencia.
Ang biktima ay ika-19 pinaslang na mediamen sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Aquino.
Kaugnay nito, kinondena naman ng National Union of Journalist in the Philippines (NUJP) ang insidente sa pagsasabing katatapos lamang ng paggunita ng ika-4 na taong anibersaryo ng Maguindanao massacre noong Nob. 23 kung saan 32 sa 57 kataong brutal na pinaslang ay miyembro ng media.
Sa tala ng NUJP, umaabot na sa 159 miyembro ng media ang pinaslang simula noong 1986 hanggang sa kasalukuyan.
Sa nasabing bilang ay 10 lamang ang naresolba habang marami pa sa pamilya ng mga biktima ang patuloy na sumisigaw ng hustisya.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang motibo ng pagpatay kay Dignos.
- Latest