^

Bansa

13th month, Xmas bonus ng mga pulis ipinalabas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinalabas na ng PNP ang P1.8 bilyon para sa 13th month at Christmas bonus ng 148,000 aktibong miyembro ng pambansang pulisya partikular ng mga pulis sa Eastern Visayas para magamit sa kanilang mga pa­ngangailangan matapos masalanta ni Yolanda. 

Kahapon ay binisita ni PNP Chief Director General Alan Purisima ang himpilan ng Criminal Investigation and Detection Group sa Tacloban City at namahagi ng tig P71,000 bawat isa sa naulilang pamilya ng anim na pulis na nasawi sa super bagyo.

Bukod dito ay makakatanggap din ng insurance benefits ang pamilya ng mga nasawing pulis na aabot sa P2.3 milyon.

Namigay din ng 4,000 relief goods si Purisima sa may 3,187 PNP personnel; 1,500 police uniforms kabilang ang athletic at camouflage uniforms at bagong sapatos sa mga pulis na naapektuhan ng matinding kalamidad.

Karagdagang P10,000 benepisyo rin ang tinanggap ng pamilya ng nasawing anim na pulis at tig-P5,000 naman sa 16 nasugatan at tig-3,000 sa may 453 pulis na nasalanta ng bagyo.

BUKOD

CHIEF DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

EASTERN VISAYAS

IPINALABAS

KAHAPON

KARAGDAGANG

NAMIGAY

PULIS

TACLOBAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with