P143 taas sa LPG sasalubong sa Dis.
MANILA, Philippines - Malaking pagtataas sa presyo ng “cooking gas†o liquefied petroleum gas (LPG) ang sasalubong ngayong buwan ng Disyembre dahil sa pagmahal ng inaangkat na mga imported na produkto dulot ng panahon ng taglamig sa mga kanlurang bansa.
Sa advisory ng Liquigaz, epektibo ng alas-12:01 ngayong Disyembre 1 itataas nila ng P13 kada kilo ang presyo ng kanilang LPG. Katumbas ito ng P143 sa kada 11-kilong regular na tangke na gamit sa mga tahanan.
Wala pa namang pahayag ang iba pang mga LPG players partikular ang Big 3 oil companies ngunit inaasahan na ang pagtaas sa presyo nito ang magiging trend pagpasok ng Disyembre.
Ito ay dahil sa pagtindi ng panahon ng “winter†sa mga bansa sa kanluran kung saan tumataas ang konsumo sa LPG para sa mga heater ng kanilang mga tahanan. Dahil dito, tumataas ang demand sa LPG kaya nagmamahal ang presyo nito ngayon.
Sa ngayon, naglalaro sa P720 hanggang P760 ang branded na LPG habang nasa P680 hanggang P700 naman ang bentahan ng mga independent brand.
Una nang inamin ni Energy Secretary Jericho Petilla ang malaking pagtataas sa presyo ng LPG na higit sa P10 kada kilo.
Kontra naman si Petilla sa utay-utay na pagpapatupad ng dagdag-presyo dahil baka samantalahin ito ng mga negosyante na mag-iipit ng suplay upang lumikha ng artipisyal na kakapusan sa suplay sa lokal na merkado.
- Latest