Relief goods kaya hanggang Pebrero - Palasyo
MANILA, Philippines - Siniguro ng Malacañang na kakayanin ng gobyerno na tustusan ang pamamahagi ng relief goods hanggang Pebrero sa Leyte gaya ng pakiusap ni Gov. Leopoldo Dominico Petilla.
Sinabi ni Presidential Communications Operations Office Sec. Herminio Coloma, bagamat may kakaÂyanan ang gobyerno na tustusan ang pagpapatuloy na pamamahagi ng relief goods sa mga biktima ni Yolanda sa Leyte ay nakasentro na ang prayoridad ng pamahalaan sa reconstruction at rehabilitation ng mga binagyong lugar at hindi na sa relief operations.
Mula sa evacuation centers ay ililipat na sa mga bank houses ang mga biktima at signal ito na magsisimula na ang recovery at rehabilitation.
Wika ni Coloma, nasa DSWD ang desisyon kung pagbibigyan ang pakiusap ni Gov. Petilla pero nauna nang inihayag nito na hanggang Disyembre na lamang ang pamimigay ng relief goods. Aniya, stable na naman ang relief operations kaya nakatuon na ngayon ang Palasyo sa reconstruction at rehabilitation ng mga lugar na winasak ni Yolanda upang makabangon at makabalik sa normal na buhay ang mga biktima.
Sinabi naman ni Labor Sec. Rosalinda Baldoz, mayroong 1,240 workers mula sa 48 barangay sa Ormoc ang tumatanggap ng sahod habang gumagawa nang paglilinis sa kanilang barangay.
Naglaan ang gobyerno ng P50-million pondo at inaasahang tatagal ito ng 15 araw. Tatanggap ng minimum wage rate na P260 kada araw bilang sahod ang mga mabibiyayaan ng proyekto.
- Latest