Eleksyon sa Bohol, mapayapa
MANILA, Philippines - Naging maayos at mapayapa ang idinaos na special barangay elections sa lalawigan ng Bohol kahapon.
Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Lucenito Tagle na personal niyang inobserbahan kahapon (Lunes) ang isinagawang halalan.
Alas- 4:00 ng hapon nang simulan naman ang bilaÂngan, matapos ang botohan habang nakaantabay lamang ang mga nakatalagang awtoridad dahil sa mas kritikal na bahagi ng eleksiyon ang bilangan.
Ayon kay Tagle, bukod sa mga lokal na pulis sa Bohol, nakakalat din sa probinsya ang 700 karagdagang mga pulis na galing sa iba’t ibang lalawigan para sa seguridad.
Kabilang din sa personal na nasaksihan ni Tagle ang bilangan sa mga barangay sa Bayan ng Carmen.
Ang nasabing special elections ay dapat sanang isinagawa noong nakalipas na Oktubre 28 subalit naantala bunga ng matinding epekto sa lugar ng malakas na lindol na tumama noong Oktubre 15.
- Latest