^

Bansa

ILO nagbibigay ng emergency employment sa Yolanda victims

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbibigay na rin ng ayuda ang International Labor Organization (ILO) sa gobyerno ng Pilipinas para sa emergency employment ng mga manggagawang sinalanta ng Bagyong Yolanda.

Sa isang pahayag, sinabi ni Lawrence Jeff Johnson, ang Philippine Office Director ng ILO, makakatulong nang malaki ang emergency employment at cash for work program para agad na may maasahan ng ikabubuhay ang mga apektadong manggagawa.

Tinututukan ng ILO ang ikabubuhay ng may 2.2 milyon na bilang ng mga manggaggawa na bago pa man tumama ang kalamidad ay nagtatrabaho sa tinatawag na vulnerable sector o iyong lantad sa panganib.

Mainam umano na sa pagtulong ng gobyerno ay matiyak na hindi na rin babalik sa dati nilang mapa­nganib na trabaho ang mga apektadong manggagawa.

Ayon kay Johnson, maisasakatuparan iyon kung matitiyak ng pamahalaan ang ligtas na working condition ng mga manggagawa at kung mapagkakalooban din sila ng social protection gaya ng insurance at accident insurance.

 

AYON

BAGYONG YOLANDA

INTERNATIONAL LABOR ORGANIZATION

LAWRENCE JEFF JOHNSON

MAINAM

NAGBIBIGAY

PHILIPPINE OFFICE DIRECTOR

PILIPINAS

TINUTUTUKAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with