^

Bansa

Halalan sa Bohol, Zambo go na -- Comelec

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Commission on Elections Chairman Sixto Brillantes na all systems go na para sa idaraos na halalan sa Bohol at Zamboanga City ngayong  Lunes.

Ang paniniyak ay ginawa ni Brillantes, kung saan sinabi nito na naka-ready na ang lahat tulad ng mga election paraphernalia, polling precinct, gayundin ang mga guro na magsisilbing election staff.

Nakapagpakalat na rin ng daan-daang pulis ang Philippine National Police ngunit nilinaw na walang banta sa seguridad ng halalan.

Sinabi ni Brillantes na ginawa ang pagpapakalat ng mga pulis para lamang matiyak na magiging maayos at mapayapa ang special elections.

Sina Comelec Commissioners Lucenito Tagle at Elias Yusoph ang mangangasiwa ng special barangay polls sa Bohol habang si Brillantes at Commissioners Al Parreno at Grace Padaca sa Zamboanga City.

Nabalam ang barangay elections sa Bohol matapos salantain ng magnitude 7.2 lindol noong October 15. Hindi naman natuloy ang nasabing eleksiyon sa Zamboanga City matapos na sakupin ng Moro National Liberation Front (MNLF) na pinamumunuan ni dating ARMM Gov. Nur Misuari.

 

BOHOL

BRILLANTES

COMMISSIONERS AL PARRENO

ELECTIONS CHAIRMAN

ELIAS YUSOPH

GRACE PADACA

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

NUR MISUARI

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with