^

Bansa

PNoy binati si Pacman

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binati ni Pangulong Aquino si pambansang kamao Manny Pacquiao sa panalo nito kahapon laban kay Brandon Rios.

Ayon kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., kaisa sila ng sambayanang Pilipino sa malugod na pagbati sa ating pambansang kamao sa kaniyang tagumpay.

“Ipinakita niya ang tapang, husay at pagpupunyagi na nagbunsod sa kanya na magsilbing inspirasyon at huwaran sa lahat ng Pilipino saan man sa mundo,” wika ni Coloma.

Muli aniyang pinagbuklod ni Pacquiao ang puso at isipan ng mga mamamayan na nahaharap ngayon sa matinding pagsubok dala ng sunud-sunod na kalamidad sa ating bansa.

“Sa gitna ng matinding laban lubos na nasusukat at nakikilala ang tatag ng pagkatao ng lahing Pilipino. Tulad ni Manny, magiting nating haharapin at pagtatagumpayan ang mga hamon at suliranin na atin ngayong binabalikat,” dagdag pa ng kalihim.

Nanalo si Pacquiao laban kay Rios sa WBO welterweight belt match sa pamamagitan ng unanimous decision na ginanap kahapon sa Macau.

 

vuukle comment

AYON

BINATI

BRANDON RIOS

COLOMA

HERMINIO COLOMA JR.

IPINAKITA

MACAU

PACQUIAO

PANGULONG AQUINO

PILIPINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with