^

Bansa

Hustisya sa Maguindanao massacre mailap pa rin

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bilang paggunita sa ika-4 na anibersaryo ng Maguindanao massacre, pinamamadali ng isang mambabatas sa administrasyong Aquino na desisyunan na agad ang kaso ng pagpatay sa mga biktima nito.

Sa House Resolution no. 520 na inihain ni Quezon City 6th district Rep. Kit Belmonte, hinikayat nito si Pa­ngulong Aquino na bigyan ng espesyal na interes ang kaso na tinawag nitong “single deadliest attack on the media on record”.

Ayon kay Belmonte, ang kaso ng Maguindanao massacre noong 2009 na kumitil sa buhay ng 58 indibidwal kabilang na ang 32 media ay hindi pa nareresolba at wala pang napapanagot.

Napuna pa ng mambabatas na sa 195 na akusado tanging 104 lamang ang nakasuhan kabilang ang walo sa miyembro ng Ampatuan clan.

Kayat isinusulong din ni Belmonte ang isang sistema kung saan malalaman na rin ng publiko kung ano na ang kalagayan ng mga kaso na may kinalaman sa media killings.

Dapat umanong pamunuan ng Department of Justice (DOJ) ang law enforcement agencies sa pagkuha ng listahan ng media killings at pagbibigay impormasyon sa publiko tungkol sa status ng mga ganitong kaso gayundin kung paano ito mareresolba.

Dapat din umanong madaliin ng mga awtoridad ang pag-aresto sa mga akusado sa massacre na nanatiling nakakalaya habang dapat din bigyan ng tulong ang pamilya ng mga biktima ng massacre.

Kinondena rin ng Philippine Press Institute ang mabagal na pag-usad ng kaso. Ayon sa PPI, dapat nang makamit ang hustisya para sa mga biktima at kanilang pamilya.

AQUINO

AYON

BELMONTE

DAPAT

DEPARTMENT OF JUSTICE

KIT BELMONTE

MAGUINDANAO

PHILIPPINE PRESS INSTITUTE

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with