Biazon may bagong kasangga vs smugglers
MANILA, Philippines - Nagtalaga na ng bagong deputy commissioner si Pangulong Noynoy Aquino upang maging katuwang ni Customs Commissioner Ruffy Biazon sa paglilinis sa mga nalalabi pang tiwaÂling kawani ng Bureau of Customs (BOC) na nakikiÂpagsabwatan sa smugglers sa pagsasabotahe sa ekonomiya ng bansa.
Inilagay ng Pangulo si Ariel Nepomuceno bilang Customs Deputy Commissioner for Enforcement Group (EG).
Si Nepomuceno na dating Executive Director ng Department of National Defense-Office of Civil Defense ay nagtapos bilang Magna Cum Laude sa University of the Philippines.
Ang bagong Deputy Commissioner na miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1987 ang pinakahuling appointee ng Pangulo para tumulong sa pagbabago ng Aduana partikular na ang pagsugpo sa anomalÂya sa ahensya.
Nilagdaan naman ni PNoy ang appointment ni Nepomuceno at agad ipinadala ito kay Finance Secretary Cesar Purisima bilang patunay na siya ay pinagkakatiwalaan ng Palasyo.
Pinasalamatan ni Nepomuceno ang PaÂngulo maging si Comm. Biazon sa pagtitiwala sa kanya. Pinangako naman ng bagong Dep. Comm. na gagawin niya ang lahat na maitutulong niya para sa bayan.
Ipinanukala din ni Nepomuceno na ang BOC ay magiging certified International Standard Organization (ISO) para ipakita sa taumbayan maging sa buong mundo na seryoso ang ahensya sa pagreporma. Bukod dito, tiniyak din nito ang kuwalidad na serbisyo ng bureau para sa programa ng Pangulo na “tuwid na daanâ€.
“I encourage everyone to support Commissioner Biazon in helping the victims of typhoon Yolanda by immediately donating all seized food and non food items stored at BoC stations that can be used for relief and rehabilitation,†panawagan pa ng EG deputy comm.
- Latest