Wheelchair-bound na OFW dumating sa NAIA
MANILA, Philippines - Makaraang mabigong makauwi sa bansa noong unang linggo ng Nobyembre, dumating na rin sa Ninoy Aquino International Airport ang wheelchair-bound na OFW na si Diego Yacub Mag-atas.
Dumating sa bansa si Mag-atas mula sa Jeddah saka ng Etihad Airways Flight No. EY 428. Sinalubong siya ng kanyang anak na si Dennis, pamangkin na si Grace Mag-atas at tiyahing si Seth Santos.
Dadalhin din si Mag-atas para sumailaim sa isang medical check-up sa Las Piñas General Hospital kung saan siya sasalubungin ni Senator Cynthia A. Villar.
Naunang umapela si Villar sa Philippine Consulate sa Jeddah para mapabilis ang repatriation ng 53-anyos na OFW na tinamaan ng kakaibang sakit na naging sanhi upang humina ang kanyang spinal cord.
“Mang Diego badly wants to be with his family. He has not seen them for 30 years. They are also longing to see him come home,†ayon kay Villar.
Binayaran ng Villar Foundation ang plane ticket ni Mag-atas pero tiniyak niyang walang sangkot ditong “pork barrel.â€
Si Mag-atas ay nakaÂtakda sanang umuwi sa bansa kasabay ang may apat pang OFW na tinuluÂngan din ng Villar Foundation para makauwi sa bansa noong Nobyembre 6 pero nabigo dahil sa kawalan ng medical certificate na nagpapatunay na maaari na siyang magbiyahe.
Umapela naman si Villar sa ating diplomatic posts sa Saudi Arabia na maglagay ng OFW asÂsistance teams sa international airport sa Saudi Arabia para alalayan at tulungan ang mga umaalis na mga manggagawang Pilipino.
- Latest