‘Special Purpose Fund’ ipapalit sa PDAF
MANILA, Philippines - Matapos na ideklara ng Korte Suprema na illegal at unconstitutional ang kinukuwestiyong Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel fund, mayroon pa umanong higit na maÂlaking lump sum fund sa ilalim ng pambansang pondo na dapat ding bantayan ng mamamayan.
Ayon kay dating National Treasurer Leonor Briones, lead convenor ng Social Watch Philippines, dapat na bantayan ang ‘Special Purpose Fund’ na itinuturing na “mother fund’ ng pork barrel.
Hindi umano dapat na maging kampante ang publiko sa deklarasyong iligal ang PDAF at sa halip ay dapat na busisiin ang bawat pondo ng pamahalaan.
Aniya, umaabot sa halagang P310 bilyon ang kabuuan ng special purpose fund kung saan nakapaloob ang pork barrel ng mga mambabatas.
Kung ibabawas umano ang P25-bilyong pondo para sa PDAF, lalabas na may natitira pang P285-bilyon sa special purpose fund na kontrolado ng Ehekutibo at inilalabas lamang kapag may pag-apruba ng Pangulo ng bansa.
Ipinaliwanag ni Briones na ang lump sum fund ay pondong walang detalye kung paano at saan gagastusin.
Ang special purpose fund ay kinabibilangan ng budgetary support sa mga state-owned corporations, alokasyon para sa mga lokal na pamahalaan, calamity fund, contingent fund, DepEd school building program, E-government fund, International Commitments Fund, miscellaneous personnel benefits fund, pension and gratuity fund at feasibility studies fund.
- Latest