‘Fish scare’ sa Tacloban City
MANILA, Philippines - Umiiral ngayon ang ‘fish scare’ sa lungsod ng Tacloban kasunod ng pagbubukas ng public market sa lungsod halos dalawang linggo matapos ang pamiminsala ng super bagyong Yolanda.
Sa panayam sa isang security official na tumangging magpabanggit ng paÂngalan, matumal ang benta ng isda sa mga palengke dahil takot ang mga survivor na kumain ng anumang lamang dagat dahil sa mga bangkay na naglutangan dito na kailangan pa ring marekober.
Sa kabila ng paniniÂguro ng mga vendors na hindi galing sa Tacloban City ang mga ibinebenta nilang mga isda at iba pang lamang dagat, taÂnging mga karne, gulay at prutas ang mabenta sa lungsod at halos walang bumibili ng mga isda kaya dismayado ang mga tindera sa palengke.
Pinaniniwalaan ng mga tao sa lugar na ang mga bangkay na napadpad sa dagat ay pinapak na ng mga isda.
- Latest