Mass grave umaapaw na
MANILA, Philippines - Umaapaw na ang ‘mass grave’ at kinakapos na rin ng mga matitinong kabaong para sa libong mga bangkay na nareÂrekober sa Tacloban City.
Sa phone interview, sinabi ni Sr. Supt. Pablito Cordeta, Task Force Cadaver commander, 151 pang mga bangkay ang kanilang narekober sa patuloy na paggalugad sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.
Dahil dito ay umaabot na sa 5,032 ang naitalang biktima ng super bagyong Yolanda na tumama sa Visayas Region partikular sa Leyte at Samar noong Nobyembre 8.
Gayunman, dahil may ‘freeze order’ o moratorium na tatlong araw sa pagbibilang ng mga bangkay ay nasa 3,982 pa lamang ang opisyal na tala ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).
Sa nasabing bilang, ayon pa kay Corbeta ay nasa 1,1056 ang mga bangkay na nakuha sa TacÂloban City. Ang 151 pang karagdagang bangkay ay narekober sa tabing dagat ng Brgy. Magallanes, Pampango at Sagkahan.
Dahil hindi na halos magkasya ang mga bangkay sa inilaang mass grave sa Sitio Basler sa Brgy. Diit ng lungsod kaya maghuhukay silang muli ng panibago para rito ilagay ang mga posible pang matagpuang mga pinaghahanap na labi.
Samantala, dahil sa kakapusan ng ataul ay nagtutulong-tulong ang mga volunteers upang gumawa ng ‘makeshift coffin’ para mailibing kaagad ang mga patay na positibo ng kinilala ng kanilang mga pamilya at kamag-anak.
- Latest