Psychology expert kailangan sa Tacloban
MANILA, Philippines - Umapela na rin si Eastern Samar Rep. Ben Evardone sa gobyerno na magpadala ng psychology expert sa mga lugar na sinalanta ng super bagyong ‘Yolanda’ particular sa Tacloban City.
Ayon kay Evardone, sobrang trauma ang dinaranas ngayon ng mga residente na tinamaan ng bagyo partikular na ang mga bata at matatanda.
Mahalaga umanong sumailalim ang mga ito sa debriefing upang mabawasan o maiwasan na ang post traumatic stress disorder at iba pang psychology problems ng mga biktima ng bagyo.
Iminumungkahi rin ng mambabatas sa liderato ng Kamara ang pagtatatag ng Visayas Commission upang mapabilis ang rehabilitasyon sa kanilang lalawigan.
Sa privilege speech ni Evardone, umapela ito sa mga pribadong sektor tulad ng mga Business ProcesÂsing Outsourcing (BPOs), automotive companies, top 1,000 corporations, at maritime recruiters na mag- bigay ng trabaho sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda upang magkaroon ng mapagkakitaan ang mga ito.
- Latest