^

Bansa

Panibagong plunder case vs 3 senador isinampa ng FIO

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagsampa ng tatlong magkakahiwalay na reklamong plunder at paglabag sa anti-graft and corrupt practices act ang Field Investigation Office (FIO) laban sa mga Senador na sina Juan Ponce Enrile, Ramon “Bong” Revilla Jr., Jose “Jinggoy” Estrada.

Ang mga naturang respondents ay nahaharap din sa kasong administratibo, tulad ng serious dishonesty, grave misconduct, at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Ang reklamong administratibo laban sa mga Senador na sina Estrada, Revilla at Enrile, ay ini-refer sa Senate Ethics Committee na may administrative disciplinary jurisdiction sa mga miyembro ng Senado, para sa kaukulang aksyon.

Ang FIO ang inatasang magsagawa ng imbestigasyon sa PDAF scam noong July 2013 nang simulan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang isang fact finding investigation bilang tugon sa news reports ni whistleblower Benhur Luy na nagbunyag sa pork barrel scam.

Sinasabing ang FIO ay nakalikom ng maraming bilang ng dokumento at panayam sa may 1,500 testigo sa mahigit sa 100 siyudad at munisipalidad sa 39 probinsya sa buong bansa.

Pinasalamatan naman ni FIO assistant Ombudsman Joselito Fangon ang kooperasyon ng NBI, ang Department of Justice (DOJ) witness protection, Security and Benefit Program officers, ang Commission on Audit (COA) at iba pang miyembro ng Inter-Agency Anti Graft Coordinating Council (IAAGCC) sa proseso ng pag-scan sa buong ebidensiyang makukuha sa buong bansa.

Ang FIO complaints ay itatalaga sa Special Panel of Investigators ng Ombudsman na magsasagawa ng preliminary investigation at administrative adjudication para sa consolidation kasama ang unang set ng reklamo ng NBI noong Sept. 16, 2013.

 

BENHUR LUY

DEPARTMENT OF JUSTICE

FIELD INVESTIGATION OFFICE

INTER-AGENCY ANTI GRAFT COORDINATING COUNCIL

JUAN PONCE ENRILE

OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO MORALES

OMBUDSMAN JOSELITO FANGON

REVILLA JR.

SECURITY AND BENEFIT PROGRAM

SENADOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with