^

Bansa

Hangga’t hindi okay ang lahat PNoy ‘di aalis ng Leyte

Rudy Andal, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinangako kahapon ng Pangulong Benigno Aquino III  na hindi siya aalis ng Leyte hanggat hindi okay ang sitwasyon at kalagayan ng mga naging biktima ng super bagyong si ‘Yolanda’.

Ayon sa Pangulo, nais niyang damayan sa masaklap na karanasan ang mga residente sa Leyte kaya personal niyang tutukan ang relief operations ng gobyerno.

Sinabi pa ng Pangulo, wala pa siyang eksaktong araw kung kailan siya babalik ng Maynila.

Sa ikalawang araw ni PNoy sa Leyte ay hindi pa daw siya kuntento sa naihahatid na tulong ng gobyerno sa mga biktima ng bagyo kaya nais pa niyang manatili sa lugar upang masiguro na makakarating sa bawat biktima ng bagyo ang tulong ng pamahalaan.

Wika pa ng Pangulo, sa nakalipas na isang linggo ay hindi nangyari ang mga inaasahan niya kaya mainam na siya na mismo ang tututok.

Una rito, inulan ng batikos ang Pangulong Aquino dahil sa bagal ng kilos ng gobyerno at ‘nakaamoy’ pa ang mga biktima na nahaluan na ng pulitika.

“Hanggang makontento tayong okay na ‘yung sitwasyon, na wala nang maidadagdag dito. ‘Yung marami tayong inaasahan after one week eh, hindi ko nakikita. So baka dapat eh... Kaya nandito tayo ngayon, tutok na tutok. Ulit, ano, hindi lang dito ang problema natin, si­yempre kinukumpuni pa natin ang mga nadale ng  ‘Pablo’, meron pa tayong Zamboanga, meron pa tayong Bohol, meron pa ‘yung ‘Santi’ ano. So ang gusto natin talagang maibsan ang pinagdadaanan ng lahat sa lalong mada­ling panahon,” wika pa ng Pangulo.

Samantala, siniguro naman ni Energy Sec. Jericho Petilla na maibabalik ng Department of Energy ang suplay ng kuryente sa mga binag­yong lugar hanggang Disyembre 24.

Wika pa ni Sec. Petilla, nakahanda siyang magresign sa kanyang puwesto kapag nabigo niyang pailawan bago mag-Pasko ang mga binagyong lugar sa Samar at Leyte.

DEPARTMENT OF ENERGY

ENERGY SEC

JERICHO PETILLA

LEYTE

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

WIKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with