Pagdedeklara ng Nat’l Day of Mourning pinag-iisipan
MANILA, Philippines - Wala pa ring desisyon ang Malacañang kung idedeklara ang National Day of Mourning bilang pakikiisa ng buong bansa sa pagluluksa ng mga pamilyang namatayan ng kamag-anak sa pananalasa ng bagyong Yolanda.
Ayon kay Deputy PreÂsidential Spokesperson Abigail Valte, nakarating na kay Pangulong Aquino ang nasabing panukala ni Sen. JV Ejercito pero hindi pa naglalabas ng desisyon tungkol dito at pinag-uusapan pa ito.
Sakaling ideklara, magtatakda ng isang araw ang Malacañang para ipakita ng buong bansa ang pagluluksa sa nangyaring trahedya sa Visayas dahil sa nagdaang super typhoon.
Kasama sa panukala ang paglalagay ng bandila ng bansa sa lahat ng mga ahensiya ng gobyerno sa half mast.
Magiging simbolo umano ito ng pakiki-simpatiya at respeto sa pamilya ng mga biktimang namatay sa bagyo.
Bagaman at hindi pa nagdedeklara ang PaÂngulo ng National Day of Mourning, napaulat na may bayan ng nagdeklara nito katulad ng Albay.
Maging ang Catholic Bishops Conference of the Philippines ay nagdeklara ng Day of Lament and Hope; Solidarity in Prayer.
- Latest