Foreign aid ilalagay sa website
MANILA, Philippines - Upang magkaroon ng transparency at mawala ang mga pagdududa kung saan napupunta ang mga foreign donations na natatanggap ng gobyerno para sa mga biktima ng bagyong Yolanda, ipinag-utos na ni Pangulong Aquino ang paglalagay nito sa isang website.
Ayon kay Deputy PreÂsidential Spokesperson Abigail Valte, posibleng sa darating ng linggo ay makita na online ang nasabing website kung saan itatala kung magkano ang natanggap na foreign donations, sinong opisyal at anong ahensiya ng gobyerno ang responsable rito at kung saan ito napunta.
Hinikayat rin ni Valte ang mga pribadong orgaÂnisasyon na i-report ang mga natatanggap ding foreign donations dahil hindi lahat ng foreign donors ay dumadaan sa gobyerno.
Nauna ng sinabi ng ilang senador na ang perang natatanggap ng gobyerno bilang doÂnasyon ay maaring i-audit ng Commission on Audit pero hindi kasama ang peÂrang natatanggap ng mga pribadong organiÂsasyon o indibiduwal.
- Latest