Excelente Light Brandy inilunsad
MANILA, Philippines - Inilunsad ang bagong imported na light brandy na tinawag na Excelente noong gabi ng Nobyembre 14 sa One Esplanade, Pasay City ng kanyang distributor, Montosco, Inc.
Ang okasyon ay pinasinayaan ng mga respetadong bisita kabilang na si Spanish Ambassador Gorge Domecq na dinaluhan din ng mga pinuno ng kumpanya, sub-distributors, retailers, at Spanish consuls. Naging punong abala sa okasyon ang mga personalidad sa telebisyon na sina Grace Lee at Ramon Bautista, na siya ring nagpakilala sa bagong TV spot at brand ambassador na si Ms. Angelica Panganiban.
Ang Excelente ay ipinakikilala bilang pangunahing imported light brandy na abot kaya ang halaga. Ito ay ginawa ng Bodegas Williams and Humbert distillers na 136 taon nang gumagawa ng de kalidad na brandy at sherry wines. Ginawa itong mas suwabe sa panlasa at banayad sa lalamunan para sa mga naghahanap ng mura subalit de kalidad na Spanish light brandy.
Ang Excelente ay natatanging “imported light liquor†galing Espanya at gawa sa world-class ingredients, sa presyong abot-kaya. Swabe at de-kalidad ang kanyang panlasa sa presyong halos pantapat sa local light alcohol.
Sa tagline na “Pa-Good Shot ka naman,†nais ng Excelente na maging bahagi nang paglalakbay sa tagumpay – isang kasama sa malalaki o maliliit mang katuparan ng pangarap. Kasama ang magaling na aktres na si Angelica Panganiban, ipinakikilala ang alak bilang isang masarap na inumin na abot kaya ang halaga ng mga taong paakyat sa tagumpay.
Mula sa taniman nito sa Jerez de la Frontera, sa kilalang rehiyon ng Andalucia sa Southern Spain, tanging mga pangunahing sangkap ang napili para gawin ang Excelente. De kalidad na vanilla pods mula pa sa Sri Lanka, macerated plum raisins na inani mula sa Basque region sa Spain, at Regia Green walnut bark na pinatuyo at pinagsama-sama at ginawa para gawing isang eleganteng alak ang Execelente.
Ginamit ng Bodega Williams and Humbert ang tradisyunal na Solera System style para maperpekto nito ang iba pang alak tulad ng mga brandy ng Alfonso. Ang kakaibang lasa at kulay ng Excelente, dagdag pa ang abot kayang halaga ang inaasahang maglalagay sa Excelente sa hanay ng pangunahing light brandy products sa bansa.
Malaki na rin ang inilago ng light brandy market sa bansa mula 2011. Dating kilala bilang bahagi lamang ng hard liquor market, sinimulan nitong magbigay nang marka laban sa beer at gin. Ang Excelente ang unang pagtatangka ng Montosco na makuha ang local na pamilihan. Nagsimula sa ilan taong pagiging local distributor ng matataas na kalidad na brands tulad ng Jack Daniels, Jose Cuervo Tequila, Chivas Rigal, at Jim Beam.
Ang Montosco ay ang distributor ng alak ng Cosco Capital Inc., ang kumpanyang nasa likod ng retail store na Puregold at S&R. Bukod sa retailing at pagbenta ng alak, nasa mga negosyong commercial at mixed-use real estate, at oil exploration and mining din ang Cosco. Ang tatlo nitong Liquor Distribution companies ay ang Premiere Wine and Spirits, Meritus Prime Distributions, Inc. at Montosco Inc.
Eksklusibo nang Montosco Inc. ang distribusyon sa Pilipinas ng Spanish brands na Alfonso Brandy at Vino Fontana, at iba pang pangunahing international brands tulad ng Baileys Cream Liqueur, Patron Tequila, at Jack Daniels Whiskey. Ito rin ang exclusive distributor ng alak na gawa ng Spanish vintner Williams and Humbert.
- Latest