Gun ban tapos na
MANILA, Philippines - Malaya na namang magbitbit ng baril ang mga lisensiyadong gun owner dahil sa pagtatapos kahapon ng ipinatupad na gun ban.
Nagsimula ang implementasyon ng gun ban noong Setyembre 28 at nagtapos kahapon, Nobyembre 13, kaugnay sa Barangay elections noong Oktubre 28.
Ayon kay Comelec Commissioner Elias Yusoph, chairman ng gun ban committee, malaki ang naitulong ng ipinatupad na gun ban sa pagbaba ng crime rate sa bansa, lalo na’t panahon ng eleksiyon.
Batay aniya sa ulat ng PNP, bumaba ng halos 50% ang mga krimen sa bansa sa implementasyon ng gun ban.
Sa kabila naman nang pagtatapos ng gun ban, nilinaw ng Comelec na hindi nangangahulugan ito na maaari nang magdala ng mga hindi lisensiyadong armas.
Ipinaliwanag ng ComeÂlec na mayroon naman umanong iba pang batas na ipinatutupad ang pamahalaan laban sa pag-iingat ng mga illegal na baril.
Sa datos ng NCRPO, umabot sa 881 katao na kaÂraÂmihan ay sibilyan ang nadakip ng pulisya sa gun ban sa kabuuan ng election period.
- Latest
- Trending