‘Looters’ wag sisihin - PNoy
MANILA, Philippines - Hindi sinisisi ni Pangulong Aquino ang ginawang looting ng mga nagugutom na residente ng Tacloban City matapos ang panaÂnalasa ng bagyong Yolanda sa kanilang lugar kung saan ay 90 percent ng lungsod ay nawasak dahil sa storm surge.
Ayon sa Pangulo, naÂging desperado na ang mga residente matapos ang delubyong kanilang naranasan sanhi ng super typhoon Yolanda at 15-feet na storm surge na sumira sa kanilang mga tahanan.
Aniya, nagawa lamang ng nagugutom na residente ng Tacloban ang ‘looting’ sa mga groceries at malls habang hindi pa nakakarating sa kanila ang relief goods.
Idinagdag pa ng PaÂngulo sa panayam dito ng CNN, nahihirapan din ang mga local authorities na makaresponde dahil ‘out numbered’ kaya nagpapadala sila ng karagdagang personnel mula sa ibang rehiyon.
Minamadali na rin ng gobyerno sa pamamagitan ng DOTC ang paglalagay ng transportasyon upang makarating sa Maynila o Cebu ang nagnanais na umalis ng Tacloban o kalapit na bayang sinalanta ng bagyo.
Sabi ni Cabinet Sec. Rene Almendras, ang mga C-130 military plane ay nagsasakay din ng mga sibilyan na nais lumuwas ng Maynila dahil wala namang lulan ito pauwi ng Maynila dahil ang sakay lamang nito patungong Tacloban ay ang mga relief goods.
- Latest
- Trending