Zoraida nagbabanta sa Palawan
MANILA, Philippines - Nag-landfall na kahapon ng umaga ang bagyong Zoraida sa Davao Oriental at patuloy ang pagkilos pahilagang kanlurang bahagi ng bansa.
Ala-una ng hapon kahapon, si Zoraida ay namataan sa layong 28 kilometro timog ng HinaÂtuan taglay ang lakas ng hangin na umabot sa 55 kilometro bawat oras at patuloy ang pagkilos hilagang kanluran sa bilis na 30 kilometro bawat oras.
Bunga nito, nakataas ang Signal number 1 sa Cuyo Island, Palawan at Calamian Group sa Luzon gayundin sa Siquijor, Southern Cebu, Bohol, Negros Oriental, Negros Occidental, Antique, Iloilo at Guimaras sa Visayas kasama ang Dinagat Province, Siargao Island, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Davao Oriental, Compostela Valley, Northern Davao del Norte, Samal Island, Bukidnon, MisaÂmis Oriental, Misamis Occidental, LaÂnao del Norte, Lanao del Sur, North Cotabato, Camiguin Island, Northern Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur sa Mindanao.
Sa Huwebes ng umaga ay inaasahang nasa layong 630 kilometro kanluran ng Coron, Palawan o nasa labas na ng Philippine Area of ResÂponsibility (PAR).
Bagamat palabas na umano si Zoraida sa PAR ay kailangan pa ring mag-ingat ang mga residente sa nabanggit na lugar dahil sa mga pag-uulan na patuloy na mararanasan dito
- Latest