^

Bansa

Nat’l Day of Mourning pinadedeklara

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniling ni Senator Joseph Victor “JV” Ejercito sa gobyerno na ideklara ang National Day of Mourning­ sa gitna ng nangyaring kalamidad sa Visayas region­  dahil sa nagdaang bagyong Yolanda.

Naniniwala si Ejercito na dapat maipakita ng buong bansa ang pakikiramay sa mga namatay sa bagyo na pinaniniwalaang aabot sa mahigit na 10,000.

Hinikayat din ni Ejercito si Pangulong Aquino na ipag-utos ang paglalagay ng bandila ng bansa sa lahat ng mga ahensiya ng gobyerno sa half mast bilang simbolo ng simpatiya at respeto sa pamilya ng mga biktimang namatay sa bagyo.

Napapanahon daw ang ginawang paglalagay ng bansa sa ilalim ng state of national calamity dahil mas mapapabilis ang relief, rescue at rehabilitation efforts para sa mga biktima at survivors ng super typhoon.

Dahil sa naging hakbang ng Pangulo matitiyak aniya na magkakaroon ng price freeze sa mga pangu­ nahing bilihin na lubhang kailangan ng mga survivors ng bagyo.

Bilang pakikisimpatiya ay nag-half mast ng bandila ang Armed Forces of the Philippines sa lahat ng mga kampo nito sa bansa.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Ramon Zagala, maging ang AFP na pangunahing nagsasagawa ng relief, rescue at humanitarian missions sa mga apektadong lugar ay ramdam ang ma­tinding kirot sa sinapit ng mga residenteng biktima ng delubyo ng super bagyo.

 

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

EJERCITO

NATIONAL DAY OF MOURNING

PANGULONG AQUINO

PUBLIC AFFAIRS OFFICE CHIEF LT

RAMON ZAGALA

SENATOR JOSEPH VICTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with