^

Bansa

1 pang bibitaying OFW sa Saudi sasagipin

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Gumagawa na ng paraan ang Department of Foreign Affairs upang mai­salba ang buhay ng isa pang OFW na si Carlito Lana na nakatakda ring bitayin anumang araw ngayong buwan dahil sa pagpatay sa kanyang amo sa Saudi Arabia noong Disyembre 2010.

Ayon kay DFA Spokesman Raul Hernandez, sa kabila ng pahayag ng DFA na ayaw tumanggap ng blood money ang pamilya ng biktima, naglalatag pa rin sila ng representasyon upang mahimok ang mga ito na pagbigyang makaligtas sa kamatayan ang nasabing Pinoy.

Sa rekord ng DFA, si Lana ay nagtungo sa Saudi noong 2008 bilang uti­lity boy sa isang hotel sa Riyadh subalit nag-iba ng employer noong 2010.

Dahil dumanas ng pagmamaltrato at pang-aabuso sa kamay ng huling employer ay nagpaalam siya na aalis matapos ang tatlong buwan na pagli­lingkod na ikinagalit umano ng amo.

Naging marahas umano ang nasabing employer nang sabihin ni Lana na pupunta siya sa embassy hanggang bunutan siya ng baril, ayon na rin sa kanyang ina sa isang panayam sa telebisyon.

Sinabi pa ng pamilya ni Lana na self-defense ang nangyari dahil tinangkang barilin ng kanyang amo si Carlito at pilit na pinatatakbo sa disyerto hanggang sa maagaw nito ang baril at mabaril ang amo.

Bukod sa liham na ipinadala ng pamilya Lana sa pamilya ng biktima, sumulat na rin sila kay Saudi King Abdullah upang umapela na sagipin sa bitay ang nasabing OFW.

AYON

BUKOD

CARLITO

CARLITO LANA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

LANA

SAUDI ARABIA

SAUDI KING ABDULLAH

SPOKESMAN RAUL HERNANDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with