Ilang senador pormal nang tinanggihan ang kanilang PDAF
MANILA, Philippines - Sa gitna ng mainit na isyu tungkol sa pork barrel scam, ilang senador na ang pormal na nagpahayag ng intensiyon na hindi na kukunin ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na kilala rin sa tawag na pork barrel funds para sa taong 2014.
Magkahiwalay na nagpadala ng sulat kay Senator Francis “Chiz†Escudero, chairman ng Senate Committee on Finance sina Senators Grace Poe at Koko Pimentel Jr., upang ipaalam na hindi nila kapwa kukunin ang kanilang tig-P200 milyong PDAF sa 2014 kaya dapat na itong tanggalin sa panukalang national budget para sa susunod na taon.
“In response to your letter dated October 24, 2013, may I formally advise you of my decision to submit and recommend an amendment to H.B. No. 2630 (FY 2014 GeÂneral Appropriations Bill) to be reflected in the appropriate Committee Report to effect the deletion of the entire aggregate amount of Two Hundred Million (P200,000,000) Pesos of proposed/programmed allocation for my office under the Priority Development Assistance Fund and the consequent deduction of the same from the total budget to be submitted for final approval by the SeÂnate of the Philippines,†nakasaad sa sulat ni Poe kay Escudero.
Halos ganito rin ang sulat na ni Pimentel kay Escudero na nagpapatanggal ng kanyang PDAF para sa susunod na taon.
Bukod sa hindi kukunin ni Pimentel ang kanyang P200 milyong PDAF para sa 2014, tinanggihan na rin nito ang natitirang halos P1.9 milyong PDAF para sa taong kasaluluyan.
Samantala, maging si Escudero ay hindi na rin umano kukuha ng kanyang PDAF para sa 2014.
Pinapatanggal rin ni Escudero sa P2.268 trilÂyong panukalang pambansang budget para sa 2014 ang pondong nakalaan para sa kanya na aabot din sa P200 milyon.
May resolusyon sa Senado na naglalayong tuluyan ng tanggalin ang PDAF ng mga senador para sa 2014 pero may mga senador na nais ilagay ang kanilang pondo sa ilang programa at departamento ng gobyerno kaya binigyan sila ng hanggang Nobyembre 11 upang isumite ang kanilang posisyon tungkol sa isyu at kung ano ang nais nilang gawin sa kanilang PDAF.
- Latest