Sa hindi ‘pagkanta’ sa Senado Palasyo dismayado kay Napoles
MANILA, Philippines - Nadismaya ang PaÂlasÂyo sa pagkabigong ‘mapakanta’ ang sinasabing utak ng P10 bilyong pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles matapos itong dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
Sinabi ni Presidential Communciations Operations Office Sec. Herminio Coloma Jr., nakakalungkot dahil hindi natugunan ang pagkauhaw ng taumbayan na marinig ang katotohanan matapos dumalo sa pagdinig si Napoles.
Walang ibang isinagot si Napoles sa mga pagtatanong ng mga senador kundi “I invoke my right to self-incrimination’, ‘hindi ko alam’, sasagutin na lamang iyan sa korte.
Wika pa ni Sec. Coloma, nananatili ang kanilang determinasyong malilitis at mapaparusahan ang mga nagnakaw sa kaban ng bayan.
Nananawagan naman sila sa mamamayan na huwag panghinaan ng loob at manatiling vigilant hanggang makamit ang hustisya.
Sa kabila nito, kinikilala naman nila ang consÂtitutional rights ng mga humaharap sa pagdinig at kanilang iginagalang ang proseso ng Senado bilang independent institution.
- Latest