^

Bansa

Website ng NDRRMC na-hacked

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagulantang kahapon ang mga opisyal ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) matapos na ma-hacked ang website nito na mga hubo’t hubad na katawan ng mga babaeng Russian escort service ang laman.

Nakiusap naman si NDRRMC Executive Director Eduardo del Rosario sa mga hackers na huwag i-hacked ang kanilang website dahil importante ito sa pagsagip ng buhay, pagbibigay babala sa mamamayan lalo na at paparating na ang super typhoon Yolanda.

Nabatid na ang mobile version ng Office of Civil Defense  http://www.ocd.ndrrmc.gov.ph ay napasok ng mga hackers kung saan sinumang magbukas ng website ay pornography site ang makikita.

“A server where we upload was hacked. But if we use laptops and desktops it’s working out fine,” anang nailing na si del Rosario.

Tiniyak naman nito na ina­ayos na ang nasabing problema dahil mahalaga ang pagbibigay babala sa mamamayan lalo na sa panahon ng kalamidad.

Ang na-hacked na website ay ang Project DINA ( Disaster Information for Nationwide Awareness Project ) o ang bagong disaster warning scheme na inilunsad kahapon sa Camp Aguinaldo.

Sa ilalim ng Project Dina ay mabibigyan ng babala ang publiko laban sa panganib ng kalamidad tulad ng lindol, bagyo, tsunami, flashfloods, landslides, sunog at maging ang tamang paggamit ng survival kits.

CAMP AGUINALDO

DISASTER INFORMATION

EXECUTIVE DIRECTOR EDUARDO

NABATID

NAGULANTANG

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

NATIONWIDE AWARENESS PROJECT

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

PROJECT DINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with