^

Bansa

‘Lemon Law’ itinulak sa Kamara

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling isinumite ni Las Piñas City Rep. Mark A. Villar ang House Bill No. 3199 o ‘Lemon Law of 2013’ na magbibigay proteksyon sa mga naka­bili ng mga sasakyan na depektibo o palyado ang kalidad.

Ang ‘Lemon Law’ na nagmula sa Estados Unidos ay inimplementa upang protektahan ang mga consumers at maibalik ang kanilang pera kung kinakailangan. Sa ilalim ng naturang batas, kapag hindi na-repair ng car ma­nufacturer o dealer ang depektibong sasakyan sa loob ng ilang attempts, kailangan nila itong palitan.

“Kung ang biniling sasakyan ay ipinagawa na ng apat o higit pang beses para sa parehong depekto o sira sa loob ng warranty o Lemon Law Rights period, pero hindi pa rin ito nagagawa at umabot na sa total na isang buwan na out of service ito, matatawag nang ‘lemon’ ang nasabing sasakyan,” sabi ni Villar.

Ang ‘lemon law rights period’ ay 12 buwan mula sa pag-deliver sa brand new na sasakyan sa customer o ang unang 20,000 kilometro ng operasyon nito pagkatapos ng deli­very date—kung anuman ang mauna sa dalawa.

Sa loob ng ‘lemon law rights period’, ang customer ay maaaring i-report ang anumang   “non-conformity to the standards and specifications of the manufacturer, distributor, authorized dealer or retailer”.

Kung ang non-conformity” o depekto ay hindi na-repair sa loob ng naturang period, ang customer ay may karapatang humingi ng replacement o isauli ang sasakyan at i-refund ang full purchase price.

CITY REP

ESTADOS UNIDOS

HOUSE BILL NO

LAS PI

LEMON

LEMON LAW

LEMON LAW RIGHTS

MARK A

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with