7.5M Pinoy walang kubeta
MANILA, Philippines - Milyun-milyong Pinoy ang basta na lamang dumudumi kunsaan-saan dahil sa kawalan ng toilet bowl o kubeta.
Ito ang ibinunyag ng “One Million Clean Toilet Movement†sa Lungsod ng Maynila na pinangunahan ng United Nations Children Emergency Fund o UNICEF, Philippine Public Health Safety, Lungsod ng Maynila, Pilipinas Shell at Unilever, bilang bahagi ng suporta sa World Toilet Daw sa November 19.
Nabatid na umaabot sa 7.5 million Pinoy ang walang kubeta at sa labas na lamang ng kanilang mga bahay nagsisidumi.
Karamihan sa mga walang malinis na palikuran ay mga mamamayan sa Masbate, Negros Occidental, MaguinÂdanao, Tawi Tawi at iba pang lugar gayundin sa Luzon.
Sa Maynila, binanggit ang mga matataong lugar gaya ng Isla Puting Bato, Baseco, Radial 10, sa Tondo, bahagi ng Quiapo at iba pang naninirahan sa mga gilid ng ilog at mga kalsada.
- Latest