Mga sundalong lumaban sa MNLF-Misuari group, pinarangalan
MANILA, Philippines - Pinarangalan kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III ang mahigit 2,400 na sundalong lumaban sa mga miyembro ng MNLF-Misuari group sa Zamboanga City.
Sa isang simpleng seremonya kahapon ng umaga sa Camp Aguinaldo ay ginawaran ng parangal ni Pangulong Aquino ang 12 opisyal at 6 na enlisted personnel na nagbigay-serbisyo sa 18-araw na krisis sa Zamboanga City ng lumusob ang mga tauhan ni MNLF founding chairman Nur Misuari sa nasabing lungsod.
Kabilang sa mga ito ay sina Lt. Col. Oriel PangÂcog, Capt. Reynir Nirza, Lt. Gen. Rey Ardo, Brig. Gen. Rodelik Santos at Lt. Col. Ramon Zagala na pawang ginawaran ng Distinguished Service Star.
1st Lt. Francis Damian (Gold Cross Medal - posthumous), 1st Lt. Jerson Jurilla, 1st Lt. Ian Dexter Carin, Lt. Jg. Grade Joey Cayao, Sgt. Larry Lopez, 1st Lt. Abelardo Angelo, Sgt. Salvador Codon Jr., Sgt. Allan Adap na pawang binigyan naman ng Gold Cross Medal.
Capt. Eduardo Saquing Sr. (Gold Cross Medal-posthumous), Maj. Caezar Almer Candelaria (Bronze Cross Medal), Maj. Rene Aureo (Military Merit MeÂdal), Capt. Dranreb Lansang (Military Merit Medal), Pfc. Edgardo Jose (Wounded Personnel Medal).
Kasama ni Pangulong Aquino sa seremonya sina Defense Sec. Voltaire Gazmin at AFP chief Gen. Emmanuel Bautista.
Pinasalamatan mismo ni Pangulong Aquino ang nasabing mga sundalo na nagtanggol sa bayan sa gitna ng krisis sa Zamboanga City.
- Latest