^

Bansa

P29M pinsala ng bagyong Vinta, 1 nawawala

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iniulat kahapon ng  National Disaster Risk and Reduction Management Council (NDRRMC) na umaabot sa P29,709 milyon ang pinsalang iniwan ng bagyong Vinta habang isang residente ng Northern Luzon ang nawawala.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Eduardo del Rosario, patuloy pa rin ang paghahanap sa  nawawalang mangingisda  sa Brgy. Quidaoen, San Juan, Abra.

Sinabi ni Del Rosario na ang bagyong Vinta ay nakaapekto sa may 418 pamilya o katumbas na 1,837 katao sa may 64 barangay sa 15 bayan at isang lungsod sa tatlong lalawigan ng Ilocos Region at Cagayan Valley.

Nasa 116 namang pamilya o kabuuang 391 katao ang nananatili sa limang evacuation centers matapos na maapektuhan ng bagyong Vinta.

Samantala, 60% na ng supply ng kuryente ang naibalik na sa Laoag City, Ilocos Norte at ilang bayan sa lalawigan ng Apayao.

Nasa 80 % namang ng kuryente ang napanumbalik na sa normal sa mga bayan ng Pasuquin, Burgos, Bangui, Dumalneg, Pagudpud, Adams, Badoc, Nueva Era, Paoay, Currimao at Vintar; pawang sa Ilocos Norte habang nagpapatuloy naman ang pagsasaayos ng supply ng kuryente sa lalawigan ng Cagayan.

Nagdulot rin  ang bagyo ng maraming pagkabuwal ng mga puno kaya nagbara ang mga pangunahing daan sa Apayao at Ilocos Norte.

Limang pangunahing kalsada rin at dalawang tulay sa Ilocos, Cagayan Valley at Cordillera ang apektado ng landslide.

APAYAO

CAGAYAN VALLEY

DEL ROSARIO

EXECUTIVE DIRECTOR EDUARDO

ILOCOS NORTE

ILOCOS REGION

LAOAG CITY

NATIONAL DISASTER RISK AND REDUCTION MANAGEMENT COUNCIL

NORTHERN LUZON

NUEVA ERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with