Vinta umalis na, nanalasa sa N. Luzon
MANILA, Philippines - Isa katao ang nawaÂwala habang nabuwal ang mga puno, barado ang mga kalsada at dumanas ng pagkawala ng supply ng kuryente ang ilang bahagi ng Northern Luzon sanhi ng hagupit ng bagyong Vinta.
Ayon sa ulat, isang mangingisda na kinilalang si Loridel Baldos ng San Juan, Abra ang nawawala matapos na tangayin ng malakas na agos sa ilog sa kasagsagan ng paÂnanalasa ni Vinta.
“The national road from Aparri to Tuguegarao is not passable due to fallen trees along the road,†ayon naman sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Nabuwal din ang maraming punong kahoy sa mga bayan ng Conner, Luna, Pudtol at Sta. Marcela sa Apayao.
Umapaw naman ang tubig baha sa tulay ng Penablanca, Cagayan at Pinacanauan Bridge sa Tuguegarao City na hindi madaanan ng anumang uri ng sasakyan dahil sa mataas na tubig.
Nawalan din ng supply ng kuryente sa ilang bahagi ng hilagang Cagayan, Apayao at maÂging sa Laoag City, Ilocos Norte.
Umaabot naman sa 100 pamilya ang inilikas kabilang dito ang nasa 305 katao sa bayan ng Gonzaga, Cagayan at 77 sa Maconacon, Isabela.
Samantala, kahapon ng hapon ay lumabas na ng bansa si Vinta at ngaÂyong Sabado ay inaasahang nasa 280 kilometro na ito timog ng Hongkong.
- Latest